top of page

Paglaya

Get this track

  • Amazon
  • Spotify
  • Apple Music

Wala na yatang papalit

Sa nagdaang masasayang saglit

Di na ba kayang higitan

Ang inalay na lumipas lang

Maari bang pagbigyan

Mga isip ay pakinggan

Sa bawat patak ng ulan

Ligaya mo'y inaasam

San nga ba tayo dadalhin

Nitong mga bagong awitin

Mga pahinang binigay satin

Wag hayaan na limutin din

Pagkat kung pwede lang dalhin ko din

Ang bigat na dulot ng sakit

Baka naman lumaya din

Ang umasa ng damdamin

Noon pa ma'y minamasdan

Mga ngiting lumaon lang

Baka naman mapagbigyan

Nandirito at magaabang

Patungo

Get this track

  • Spotify
  • Amazon
  • Apple Music

Nakita na ang mga dapat pang gawin

Malinaw pa sa langit ang dapat sundin

Magiba man ang ihip ng hangin

Pipigilan man ako'y tuloy pa rin

Mga sagot na ngayon lang naintindihan

Lumipas man ang araw

ako ay ayos lang

Handang yakapin ang katotohanan

Tanggapin na ang kapalaran

Patungo sa paggising

Mga damdamin, unawain

Patungo sa paglinaw

Patungo sa paglaya

Patungo sa iyong piling

Patungo sa pag-ibig

Patungo sa paglinaw

ng isipan kong ito

Patungo sa paglaya

ng damdamin na parang bugtong

Patungo sa pagibig

na tinakda ng panahon

Patungo sa paggising

Nakita na ang mga dapat pang gawin

Malinaw pa sa langit ang dapat sundin

Mga sagot na ngayon lang naintindihan

Lumipas man ang araw

ako ay ayos lang

Patungo..

  • Spotify
  • YouTube
  • iTunes
  • Instagram
  • Facebook
  • Instagram
  • YouTube
  • TikTok

Events and music updates on my newsletter.

bottom of page